This entry was created on Wednesday, September 30, 2009, at Wednesday, September 30, 2009.

Eto na naman ako sa harap ng mesa ko nag iisip nag hahanap ng sagot,Minsan naiisip ako kaibigan ba nila ako dahil sa mag ka klase kami sa paaralan? di ako pumapasok
ngayon dahil sa nakaraang operasyon ko naunahan na ako ng mga kaklase ko. Pero teka ano itong
balitang nasagap ko, grabe na ang bisyong kinalakihan nila, inom at sigarilyo. . .minsan alam nyo
pag may mga party at get together namimili ako ng pupuntahan, mas go ako kung party yun ng
brainy excellent at ng mga good boy/girl na kaibigan este kaklase ko. Hindi naman sa ayaw kong pakisamahan silang lahat pero sa akin lang i dont get the point bakit sila ganun? alam kung di naman nag kulang ang kanilang mga magulang sa pag aalala sa kanila at ang pag gabay sa kanila, yung iba naman dala lang ng barkada o di kaya'y gusto na lang at walang magawa. sa likhain kong ito sana walang magalit dahil isa itong realidad sa buhay ng mga kabataang tulad ko base sa sariling karanasan. Alam kong masakit para sa isang magulang ang nakitang na papariwara ang kanilang anak ngunit kung gusto talaga ng anak ang ginagawa nya wala ng makapipigil dun kahit mga isang nag mamalasakit na kaibigan ayaw pakinggan. Kung babalik sa mga panahong una una kaming nag ka kilala ayos lang masaya kahit walang inuman at yosing kasama. . may mga ilan ng gumagawa pero ako ni minsan sa buhay ko di ko ginawa yun. Alam kong ang mga sinasabi ko ay puro negatibo pero alam kong may mapupulot na aral sa kwento ko. Kaya nga ngayon isusulat ko ito para malaman nyo. Isa akong mag aaral na mabuti at mabait sabi nila parang wala na daw akong problema pero di nila alam sa isang pamilya di naalis ang problema. Mayaman daw kami pero ang totoo may kaya lang, ang mga gamit kong mamahalin pinaghirapan ng tatay kong seaman at sinusuklian ko naman ng magandang grado sa sa pag aaral. Pero bakit ganun na lamang ang mga kaibigan ko? di nila matumbasan ang binibigay ng mga magulang nila sa kanila. Oo may tao din may sariling problema pero di ko ito dinadaan sa pag iinom at paninigarilyo sa halip hahanap ako ng solusyon dito at parating SMILE yan ang moto ko sabi nga sa kanta eh "Ang buhay ay sadyang ganyan ngunit sandali ay maaayos din yan. . NGITI lang". Masaya nga sila nakikita ko sa mga litratong hindi naka pribado ngunit nakakalat sa publiko, di ba nila naisip ang iisipin ng iba? malamang siguro ay hindi pero sa isang banda malamang ang iba ay ayaw din ng ganun ginawa lamang nila yun JUST TO FIT IN pero di naman magandang halimbawa. Kung nais mong makisama at makibagay dapat IKAW AY SI IKAW wag mag astang maging IBA dahil sa dulo lalamunin ka din nito. Bagamat sa buhay ay may matamis na tagumpay may masaklap na kabiguan naman itong kakambal. Madalas nilang diin "Inom tayo problemado ako eh" o di kaya naman ay "inom tayo trip lang" hindi ko talaga maintindihan ang mga yan dahil sa ibang environment ang aking kinalakihan busog na busog sa pagmamahal, at sinong nag sasabing puro ako saya/ maging akoy nakaranas rin ng hirap sa buhay pero para sakin isa tong pag subok na dapat tanggapin at lutasin, di bat maganda ang buhay na nakaranas ng hirap bago ang sarap? sabagay ang panahon namin ngayon ay sadyang makabago at minsan mali sa mata ng mga antigo. Aba tignan nyo ang haba na pala nang nasusulat ko. . ito ay isang pang gising sa mga kabataang tulad ko na may mga kaibigang nais mabago,pero paalala kung anu sila mahirap ng baguhin at dapat unawain di lahat ng tao ay tulad ko at tulad mo:)
(Isang kwentong nangyari sa totoong buhay ng may akda)
This entry was created on Tuesday, September 29, 2009, at Tuesday, September 29, 2009.
September 25, 2009 the day before typhoon Ondoy came to the philippines nag kakasayahan pa kami dito sa bahay tapos kinahapunan nag waveboard pa ko pero cloudy na nun, then kinagabihan mga 11 ata nagising ako sa lakas ng ulan. . . . . .September 26, 2009 dumating na si Ondoy sa bansa, nagising ako yes indeed umuulan pero di naman xa ganun ka lakas mahangin lang. Then pumunta ako sa tindahan para mag ice cream dun, dumating si kuya Ricky my cousin nagulat ako basang basa siya talagang naligo sa ulan, at first i thought trip nya lang maligo sa ulan pero ayun "Bahang baha sa ulan umikot pa ko di na madaanan jan sa may harap umikot pa ko sa taktak!" whaat! baha?! oh men! si mama mag isa lang dala yung sasakyan panu yun? a few seconds later "jhecck si mama anjan na pero nag lakad! di kinaya ng kotse iniwan na lang kela tita Dolor!" tapos yun my brother got curious, so he decided to look around outside, nung unang balik nya sabi nya grabe baha nga pantay na pantay yung tubig! tapos ako naman sumunod na lumabas with my video cam then ayun mejo humupa na sa labas may mga inanod na gamit tapos may mga taong kumukuha nun. . . .. . Kinagabihan(itutuloy)
profile: reach my prismic soul.
Ako si Armando pilipinong totoo
mahilig bumasa at sumulat
Jhayko at Jheck ang madalas na tawag
pilyo't palabiro ngunit mabait na totoo
In english: Hello!lol! but seriously blog is my life
its my bestfriend, it always listen to me.
we share thoughts,tears and laughter.
Im just a ordinary guy with simple hopes and dreams
i always say that ITS NOT THE FAME BUT ITS THE PASSION:)
BIO DATA:
Age:17
height:5'11
sports:volleyball,badminton
job:college student
location:Philippines
wishlist: unconditional desires.
SOON TO OPEN!HAHA! ISIP PA KO!
affiliates: The endless connections.